Tuyo – Dong Abay Testo della canzone

Il Testo della canzone di:
Tuyo – Dong Abay

Ok lang kung tuyo na ang buhok
Tulog ka na kapag inaantok
Ok lang kung tuyo na ang batok
Punas pawis para di amoy putok
Ok lang kung tuyo na ang mata
Tapos na yatang umiyak di ba?
Ok lang kung tuyo na ang paa
Di ka na magkakaalipunga

Pero ano kung tuyo na ang dugo
Kahit tiyan may di na kukulo
Ano kung tuyo na ang puso
Baka maglaho ang pagsuyo

Dehins ok!
Dehins ok!
Dehins ok!
Dehins ok!

Ok lang kung tuyo na ang laway
Magmumog ka muna bago magsuklay
Ok lang kung tuyo ng sinampay
May masusuot ka na mamaya sa lamay
Ok lang kung tuyo na ang sulat
Ang tinta e di na babakat
Ok lang kung tuyo na ang sugat
Wag ka lang magkakapeklat

Pero ano kung tuyo na ang gripo
Pa'no magsesepilyo sa lababo?
Ano kung tuyo na ang poso
Sa'n maglalaba ng bra ang lola mo?

Dehins ok!
Dehins ok!
Dehins ok!
Dehins ok!

Ok lang kung tuyo na ang ubas
May pulutan na tayong pasas
Ok lang kung tuyo na ang gatas
May palamang keso bukas
Ok lang kung tuyo na ang baka
May kakainin na tayong tapa
Ok lang kung tuyo na ang buwaya
May pabrika ng sinturon at bota

Pero ano kung tuyo na ang balon
Aasa ka na lang ba sa ambon
Ano kung tuyo na ang talon
Di na mag-eenjoy sa bakasyon
Ano kung tuyo na ang sapa
Mamamatay mga butete't palaka
Ano kung tuyo na ang lawa
Luluwa ang mga mata ng mga isda

Dehins ok!
Dehins ok!
Dehins ok!
Dehins ok!

Ok lang kung tuyo ang semento
Bawal ju-mingle sa pader na ito
Ok lang kung tuyo na ang espalto
Wala na ang swimming pool sa kanto
Ok lang kung tuyo na ang kable
Di ka na uli makukuryente
Ok lang kung tuyo ang kalye
Walang baha trapik na lang ang dyahe

Pero ano kung tuyo na ang gubat
Magugutom tayo nang nakahubad
Ano kung tuyo na ang dagat
Sa ibang planeta lumipat

Ok na ok
Ok na ok
Ok na ok
Ok na ok

Ok na ok
Ok na ok
Ok na ok
Ok na ok

Ecco una serie di risorse utili per Dong Abay in costante aggiornamento

Pubblica i tuoi Testi!
Contattaci: [email protected]

Commenti

Lascia un commento

Il tuo indirizzo email non sarà pubblicato. I campi obbligatori sono contrassegnati *