Kukote – Dong Abay Testo della canzone

Il Testo della canzone di:
Kukote – Dong Abay

May araw na o laging gabi
Sa mata ng aking kukote
Sa mata ng ating kukote
Gaano man kadilim
Magliliwanag pa rin

Nakikita ba ang bahagharing itim?
Ang buwan na bulok, ang basag na bituin
Naririnig din sa buong papawirin
Bihag ang kulog, kidlat ay alipin

May ulap na, may gubat, may dagat pa
Sa mata ng aking kukote
Sa mata ng ating kukote
Langit ay liliparin
Kahit ang hangin ay may patalim

Punong taimtim ay lilim ng lagim
Pusod ay puntod, puso ay balong malalim
Pagsisid ny hindi pinagsisisihan
Paligid ay isang panaginip lang

Umaambon, umuulan, bumabagyo
Sa mata ng aking kukote
Sa mata ng ating kukote
Umiiyak ang Diyos
Sa halakhak pagkatapos

Nabasa ka kaya sa patak na bumuhos?
Bumaha ba ng luha sa pagpalakpak ng unos?
Lumubog man ang lupa, may ilog parin na aagos
Malaya ay malawak, malaya at di nakagapos

Sa mata ng ating kukote
Sa mata ng aking kukote
Sa mata ng ating kukote
Sa mata ng aking kukote
Sa mata ng ating kukote
Sa mata ng aking kukote
Sa mata ng ating kukote

Ecco una serie di risorse utili per Dong Abay in costante aggiornamento

Pubblica i tuoi Testi!
Contattaci: [email protected]

Commenti

Lascia un commento

Il tuo indirizzo email non sarà pubblicato. I campi obbligatori sono contrassegnati *